Fwee Wayting 1: May 27 & May 28

05/28/2010

i really don’t believe in malas or other superstitions but yesterday was a freakin’ bad day.
I was supposed to go to an interview for a soft skills trainer post. i ironed a yellow shirt the night before but after i did, parang di sya naplantsa but it was wearable (is there such a word?). the next day, habang naliligo ako tumawag baby ko, naiwan daw nya yung powercord ng laptop nya. e late na rin ako nun pero i had to bring it kasi di naman makakapagtrabaho yung asawa ko if i don’t. pero sandali lang naman pag-abot ko ng power cord, sakay na agad ako ng mrt.
when i was in the mrt, nasiksik ako at nagusot yung damit ko. tapos, pagsakay ko ng jeep, nawarak yung pants ko sa pundilyo. grabe talaga. ang init-init pa kahapon. pagdating ko ng office ang dumi ng longsleeve shirt ko. nung lunchtime ok naman kaso may narinig akong tsismis sa officemate ko na nagko-complain yung antipatika at bobita kong trainee. na kesyo puro laptop lang daw ako pag nagkaklase. eh hello puro exams kaya binibigay ko sa kanila eh ni kalahati nung total score di sya umaabot tapos nagmamaganda sya. anong gusto nyang gawin ko habang nag-e-exam sila, tumayo lang at tumunganga? i just shook it off (yes mariah ako ba to?), in short, di ko na pinansin. birthday pala ng bunso namin so tinawagan ko sya to greet her. sabi ko sa sweldo na kami gumala.
eto na, come uwian time, ang dumi-dumi ko na. para na akong gusgusing bata. so di na ko tumuloy sa interview. gusto ko sana magcab pero wala naman ako makuha. so i decided to ride the mrt ulit. pagdating ko sa ayala mabilis naman ang pila sa pag-check ng bag. kaso nung nasa loob na ko ng tren, huminto sya. mga 20 minutes na kaming nakatayo dun na parang sardinas at not to mention ang init di ba?
to make the long story short, nagkita kami ni baby , nagdinner pagdating sa bahay, nagkainan ( ng grapes, o green-minded ka ha?) then nakatulog ako. ang aga kong natulog.

ngayon yata ang pinakamasayang araw kasi di ako pumasok. ang saya-saya namin ng baby ko mula paggising nag-aasaran kami. tapos ayun ang sarap ng breakfast namin. lalo na sa kin jumbo hotdog *wink wink* lol totoong hotdog yung purefoods (defensive ako? lol) tapos eto pa magre-resign na ko sa trabaho. i found a better offer. at baka magsara na rin kasi tong kompanya na tong walang kwenta lol. going back to being happy today, nanood kami ng Idol results show kanina! gusto ko yung perf ni Alanis at Crystal, yung messages for Simon kasi nga aalis na sya, yung perf ni janet jackson at christina aguilera, at yung performance ng mga past winners dedicate for Cowell. yun lang.
ngayon uwi ako sa bahay namin, tapos tatakbo ako mamaya. kaalis lang ni baby adik kasi half-day naman sya sa work today. yun lang.
pahabol tuwa ako sa twitter kasi ang daming makulit hahaha. pero iba pa rin pag nandun yung mga original kong kakulitan no.1 sa list si @mr_perk, @sizzlingbanana, @_purplerose_, @TheGIRLfromHELL at @sashapurse and @_caramello_. ano pa ba?
yun lang good luck lang sa kin sa pagtakbo mamaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: